Tuesday, March 18, 2008

Simple Lang...

"Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan."

Kaya ang bata, parating masaya. Kasi nakikita yung simple lang naman talaga. Simple lang naman ang matulog, kumain, maglaro, magmahal, umiyak, magalit, at magpatawad.

Lahat naman nagagawang gamutin ng kendi at hug. Kaya mas matalino ang bata dahil mas nakuha nyang mabuhay ng simple lang.

Kaya naman sa dinami-dami man ng nabasa at narinig kong wise words at mga pilosopiyang talaga namang nakakabilib, wala ring silbi sa akin yun kung di ako lalabas at subukin ang mga bagay...na simple lang.

1 comment:

lidsÜ said...

JERZ!
i just realized now that you've been on blogspot for awhile! i'll be visiting your site more often cause you always have such inspiring posts...