Mag-aapat na taon na nga pala akong single. May halong "oo nga" moment yung pagkakasabi ko kasi madalas di ko naiisip yung tunay na kahulugan nun. Now that I think about it, siguro kaya di ko napansin yung mga oras ng pagiging single ko eh dahil sa dami ng ginawa ko.
Ako kasi yata yung isa sa mga taong madalas naka-*on hold* ang buhay pag nasa relasyon. Hindi naman dahil hindi pwedeng magpakabibo or magmaganda. Kahit may freedom to do what I want, mas madalas kuntento na maging "wind beneath his wings" ang drama. Sabi nga, supportive lola.
Ilang linggo na lang at apat na taon na akong walang boyfriend. Come to think of it, ito na yung pinakamahabang panahon ko in-between relationships. Naisip ko tuloy kung dapat na ba akong kabahan. Yun kasing ilan sa pamilya ko at mga kaibigan ko na dati naman eh walang pakialam kung single ako eh nagsisimula nang nag-iisip kung kanino ako irireto just to get me off the shelf.
And talking about shelf, naalala ko tuloy yung tanong ni Kristine Hermosa sa teleserye nila ni Jericho Rosales. Sabi nya, "May shelf life ba ang pag-ibig?" Pati tuloy ako napaisip.
Kanina nabasa ko yung NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT SINGLE KA PA?? sa Facebook. Natawa ako ng sobra at for once, after what felt like a long time, I paused long enough para pag-isipan kung bakit single pa ako hanggang ngayon. Hindi ako nagtataka kasi sa listahang ginawa nung sumulat nung nakakatuwang post eh naka-relate ako sa mga ito:
1) MASYADONG INDEPENDENT - baka naman masyado mo napoproject na kaya mongmabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.
>>To paraphrase yung tatlong super close "warrior" male friends ko (who told me almost exactly the same words): "Lagi mo kasing pinapakita na kayang-kaya mo mag-isa"
Ako (thought balloon): Huh? Paanong pinapakita? Kung ano man yun, hindi ko sinasadya...promise.
2) MATAAS ANG STANDARDS- siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala siya madalas maligo, mahiyain mag-toothbrushkaya naman sobrang bad breath niya sa umaga, puro barya ang mga hita at binti o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo, may nakausli na “pang labing-isang” daliri sa kamay at NAKAPANGINGILABOT NA BALAT dahil madami siyang AN-AN SA kanyang LIKOD NA PARA BANG MAPA NG CEBU… oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboboyfriend at maggirlfriend ngaun puro friends na lang.
>>Hindi ako sure kung pasok sa kategoryang ito yung paghahanap nung trait na "ok kausap". Disclaimer lang, hindi ibig sabihin kailangan matalino o presidente ng debate club. Gusto ko lang eh yung pag na-stuck kami sa traffic eh may mapapag-usapan naman kami. Yung tipong pag kasama ko siya di ko mararamdaman yung paglipas ng bawat minuto dahil busy kami sa sarili naming mundo.
3) UBOD KA NG KASUNGITAN - maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama. (^^,)
>>Ito yung medyo tricky. Serious daw kasi ako. Isa sa mga manifestations ata ng pagiging uber introvert ko. Mataray daw ako. Madalas kasi tahimik lang ako at diretso kung magsalita. Kaya siguro hindi na katakataka na minsan, the first impression lasts.
8) SOBRANG BUSY - alam mo ba ung kantang ‘Narda’? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta na lang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpa-pluck ng kilay mo wala kang time.
>>Ito ako noon. At magiging ganito ulit soon.
5) NAGKUKULONG SA BAHAY - walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay DAIG MO PA ANG MGA PRESO sa BILIBID na NAKA-BARTOLINA. okay, nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka.. pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.
>>At ganito naman ako ngayon. Ito yung tinatawag kong "in a force field" moments ko. Kumbaga kung si Batman may batcave, ako may to-the-batcave itches din. Ang sarap lang kasing tumigil pansamanta sa gitna ng nakakahilong ikot ng mundo. Yung maramdamang I'm standing still in the midst of all the noises and frenetic pace sa paligid ko.
13) ONE OF THE BOYS: Ayan, isa pang problema ng mga gurls... kadalasan, dahil sa sobra namang close sa mga boys, nagmumukha na silang one of the boys, na kung saan sayo shi-ni-share ng mga boys ang kilig at iyak moments nila with other gurls. Ouch! Masakit yun, lalo na pag type mo yung friend mo na guy. Ingat-ingat mahirap kasi pag masyado kang close sa mga boys kasi dumadating ang point na ang tingin nila sayo… MAS MASARAP KANG KAIBIGAN… aray!!! isa pa, parang lalaki na din ang tingin nila sayo… mapapansin mo yan, kapag nag-skirt or nag-spaghetti strap ka, tapos inaasar ka na ng mga friend mo na boys for being “gurl na gurl”. kasi ang boys, pag nakakita ng gurl in a sexy dress (tumatahimik yan, at may parang kumukulo sa loob nila)… so pag tinawanan ka, naku, sign na un…
>>Ayan, ayan namaaaaaan. Ipinanganak ata talaga akong "one of the boys". Bata pa man hindi ko na nakahiligan ang maglaro ng perceived "for girls" only pursuits gaya ng manika o bahay-bahayan. Libro o stick pang syatong lang ang kinalakhan ko. Mahilig din ako sa martial arts at mga larong nagkakaroon ng balyahan. Madalas tuloy mas marami akong nagiging kaibigang lalaki na ang tingin sa akin eh lalaki rin.
At last but not the least:
[Wrong Time]
‘Eto naman ‘yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya
masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, ‘yung pakiramdam
nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang
kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling
panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi
madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa
pamilya, o long test kinabukasan. :)
>>May built-in magnet ata ako sa wrong time.
Masaya ba ako na single ako? Oo. Pero hindi ibig sabihin nun gusto ko nang maging single forever. Siguro hindi ko lang iniisip masyado kaya di ko napapansin na I'm leaning dangerously towards being the "one" (a.k.a. alone - single forever). Basta sigurado ako, I believe in that kind of love. Whatever will be, will be.
No comments:
Post a Comment