Wednesday, December 31, 2008

Nakaka-stress din pala ang "laid back"

Argh! More than one week na pala ako dito sa amin and yet di pa ako totally naka-laid back mode. Kasi naman, habits die hard (tsk...). Ngayon ko lang na-realize na totoo pala na kakaiba ang bilis at takbo ng buhay sa Manila. Siguro sa sobrang tagal ko nang naka-base dun eh wired na ako na gumalaw as if everything's a race.

It can be a good thing, yung sobrang bilis ng kilos at siyempre yung expectation na lahat mabilis din. Na parang kailangang parating may hinahabol. Kaso, kumusta naman pag napunta sa lugar na gaya dito sa Davao kung saan lahat ng bagay ay tumatakbo sa kakaibang pace. Kung tutuusin, ito yung gusto ko, laid back pero may buhay.

Sabi nga ng kapatid ko, "Chill, 'te...chill".

No comments: