Showing posts with label just goofing. Show all posts
Showing posts with label just goofing. Show all posts

Saturday, November 28, 2009

pa-repost

'Di ko alam ano pinagkaka-busyhan ko kuno nung panahong umikot na at maraming napatawa ang post na 'to. Naisip ko tuloy minsan baka kung ano ang panis sa iba, posibleng pwede pa sa panlasa ng iba.

Ang sarap talagang tumawa.

NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT SINGLE KA PA??

* SINGLE: Minsan ayos lang maging SINGLE kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan,. lalo na’t malamig ang hangin o kaya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa’yo, hahalikan ka sa noo at titignan ka na parang ikaw na yata ang pinakamagandang babae sa buong mundo!! At pinaka-pogi naman kung lalake ka... pwede rin 2 sa mga bakla at tomboy basta SINGLE...

*kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba kayo walang nagiging boyfriend/girlfriend? tingnan natin..

1) MASYADONG INDEPENDENT - baka naman masyado mo napoproject na kaya mongmabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2) MATAAS ANG STANDARDS- siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala siya madalas maligo, mahiyain mag-toothbrushkaya naman sobrang bad breath niya sa umaga, puro barya ang mga hita at binti o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo, may nakausli na “pang labing-isang” daliri sa kamay at NAKAPANGINGILABOT NA BALAT dahil madami siyang AN-AN SA kanyang LIKOD NA PARA BANG MAPA NG CEBU… oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboboyfriend at maggirlfriend ngaun puro friends na lang.

3) UBOD KA NG KASUNGITAN - maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama. (^^,)

4) MASAMA ANG UGALI - kung papipiliin ako kung sa masungit o sa masama ang ugali… dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng ‘peek-a-boo’BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait, pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo magbago. magdasal ka kay lord ng mataimtim huh?? *hahahaha*

5) NAGKUKULONG SA BAHAY - walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay DAIG MO PA ANG MGA PRESO sa BILIBID na NAKA-BARTOLINA. okay, nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka.. pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.

6) MUKHA KANG LOSYANG - ito ang kadalasang krimen ng mga single. Hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI !!! Dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayos at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

7) MASYADONG MAGALING - medyo sensitive itong topic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila sa iyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na i-compromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan na may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong ma-intimidate.

8) SOBRANG BUSY - alam mo ba ung kantang ‘Narda’? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta na lang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpa-pluck ng kilay mo wala kang time.

9) DALA ANG BIGAT NG KAHAPON - may kasabihan nga, “how can u look forward when u keep looking back?”walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa! tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman? (^^,)

10) MASYADONG-MASYADO!! - masyadong maganda, masyadong matalino, masyadong talented at masyadong mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung HUMBLE KA LANG wag mayabang, at imbis na maging hambog, share na lang the blessing. hindi ka lang maganda / matalino / talented / mayaman / mabait pa!! im sure lahat mahuhumaling sayo.

11) IMBORNAL ANG BUNGANGA MO: naku kalimitang problema ito ng mga TAKLESANG TAO at ng mga masyado nang confident sa sarili nila. Maganda ka nga, mayaman, mabait naman, sweet naman, maganda naman pumorma, Pero pag nagsalita daig pa ung barker ng mga pedicab sa CUBAO eh! Ang lakas mong magmura!! Pinaglihi ka ba sa Nagmumurang Kamatis? Mga words mo pa ang lulupit e… memorize mo na lahat ng mga bastos na salitang Pilipino at mga murang pinoy. Shempre palengkera dating mo nyan dba? Naku lalo pa kung mapanira ka, lalong wag! Matatakot lahat makipag-friends sayo, kahit babae!! Hahaha! Bawas mura kapatid! Instead of saying: Bwaka ng Ina, P*tang ina, P*king Ina!! Say: flowers, candies, rainbows, sheeps, clouds, butterflies and PUT A LITTLE MORE!! Or. . .

TANG INUMIN MO WAG MILO!!! O dba? bumabango na “bibig” nya, yeah! di na “bunganga”.

MINSAN NAMAN SA MGA BABAE:

12) TOO MANY BOYS: Minsan nai-intimidate din ang mga guys pag masyado maraming boys ang nakabakod sa girl. Wala ka ngang boyfriend, pero lagi mo naman prino-project na ang daming lumalandi sayo (na pawang mga superficial lang naman at mukhang walang potential na magbigay ng TRUE LOVE sayo). Pag ganyan palagi ang aura at drama mo, most likely, uurong yung mga boys na may HONEST INTENTIONS sayo at kaya kang mahalin ng todo, kasi natatakot sila na baka ikaw ang di kayang magmahal ng totoo. Alam kasi ng mga boys yan… na kahit kayo na (nakapili ka na ng BF mo), di pa din mawawala ang mga “boys” na nakapaligid sayo…

13) ONE OF THE BOYS: Ayan, isa pang problema ng mga gurls... kadalasan, dahil sa sobra namang close sa mga boys, nagmumukha na silang one of the boys, na kung saan sayo shi-ni-share ng mga boys ang kilig at iyak moments nila with other gurls. Ouch! Masakit yun, lalo na pag type mo yung friend mo na guy. Ingat-ingat mahirap kasi pag masyado kang close sa mga boys kasi dumadating ang point na ang tingin nila sayo… MAS MASARAP KANG KAIBIGAN… aray!!! isa pa, parang lalaki na din ang tingin nila sayo… mapapansin mo yan, kapag nag-skirt or nag-spaghetti strap ka, tapos inaasar ka na ng mga friend mo na boys for being “gurl na gurl”. kasi ang boys, pag nakakita ng gurl in a sexy dress (tumatahimik yan, at may parang kumukulo sa loob nila)… so pag tinawanan ka, naku, sign na un…

14) STRICT ANG PARENTS: uhmmm… may two words kami dyan: GOOD LUCK!

at eto ang pinakamatindi sa lahat:

15) WALA SA GUHIT NG PALAD MO ANG MAGKA-BOYFRIEND OR GIRLFRIEND!! - shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga!! hindi porke hindi ka na magkakaroon ng kasintahan ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo si GOD kaya gusto niya na wala kang BOYFRIEND OR GIRLFRIEND siguro kaya wala kang kasintahan dahil kailangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, (EH BAKIT PAMANGKIN PA???! HAHAHA!!) baka kailangan ang full time and support mo sa organization mo..maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari. kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin na lang ang best para mag-stay siya sa buhay mo at nang hindi ka na nagtataka pa kung bakit SINGLE ka. see what i’m sayin??

hmmmmm…. mukhang BITIN ka pa eh!! DAGDAGAN NATIN?? (^^,) hehe cge…

(P.S.) = “PAHABOL-SULAT”

O ETO PA…

[Destiny Addict]
Ito yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “soulmates” or whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino man ‘yung talagang para sa kanya ay darating na lang bigla sa paraang maaaring hindi niya inaasahan– wow!! parang Serendipity.

Laging maririnig na nagsasabing: “Darating din yan. ‘Wag kasing hanapin.“

[Perfectionist]
Simula nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya
sa kanyang magiging boypren/girlpren. Kapag may nakilala siya at
nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o
parang penguin maglakad, wala na. Turn off na ‘yun para sa kanya.

Laging maririnig na nagsasabing:
“Ok na siya e. Kaya lang gusto ko ‘yung ganito…”

[Busy Bee]
Pasensya na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, bolpen,
papel at calculator. Umaalis ka ng 6 am sa bahay at umuuwi ng 7 ng gabi
‘pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at
matutulog na. Masaya ka nang makanood ng TV ‘pag Sabado (at gumawa ulit
ng homework). Sapat na sa’yo ang kumain sa labas kasama ang pamilya
‘pag Linggo (at gumawa pa rin ng homework).

Laging maririnig na nagsasabing: “Sorry, wala akong time sa ganyan e,”

[Friend Forever Version 1]
Kunwari ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga ‘yang best friend o special
friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong
masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. ‘Yung tipong ‘pag may kasamang
iba ‘yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa
totoo lang, gusto mo na malusaw na parang ice caps dahil sa Global Warming.

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m so happy for you” o “Sayang naman ‘yung pinagsamahan namin e.”

[Friend Forever Version 2]
Wala tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang
kasarian–pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys or ladies’ man.
Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa
mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang
nakaka-hang-out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang
halong malisya.

Laging maririnig na nagsasabing: “May inuman ba mamaya?” kung babae o “Hatid ko ba kayo mamaya?” kung lalaki

[Born to be... "One"]
Single-blessed ka at wala ka nang magagawa kung ganun. Nilikha ka siguro para maging mag-isa (pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh!) hanggang tumanda ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga. Minsan lang, masyado silang masungit.

Laging maririnig na nagsasabing: “Mag-isa ako.”

[Happy-go-lucky]
‘Eto yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga
happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang
at walang seryosohan please. Personally, ayoko nung mga ganito. Umaapaw
lang siguro ‘yung mga taong ganito sa “L.” Magbuhos ka nalang ng malamig
na tubig sa iyong buong katawan at solb na ‘yan.

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m not ready to commit e, but I really like you.”

[Wrong Time]
‘Eto naman ‘yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya
masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, ‘yung pakiramdam
nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang
kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling
panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi
madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa
pamilya, o long test kinabukasan. :)

Laging maririnig na nagsasabing: “We had the right love at the wrong time…”

[Parent Trap]
Ayaw ni mama o ni papa na magkaboypren/girlpren ang kanilang unica hija/unico hijo kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera. Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may makadalaw sa’yo sa bahay. O kaya, baka ikaw ‘yung may problema dahil natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa taong iyong gusto. Baka kasi sabihin nila na masyado siyang bansot/matangkad/baboy/pay
atot para sa’yo.

Laging maririnig na nagsasabing: “Baka magalit si Papa”

[Trauma]
Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww… pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka makapagmatapang na magventure into some love quest.

Laging maririnig na nagsasabing: “Pagod na pagod na akong masaktan!” *hikbi*

[Your Ex-Lover is (NOT) Dead]
Yikes!! Mahal pa rin niya ang kanyang EX at hindi siya maka-get-over sa person. wtf??! Pilit pa rin inaalala ang mga tawanan, iyakan, at PDA moments nilang dalawa kahit ‘yung EX niya ay nakikipag-mabutihan na sa ibang babae/lalaki. Sasabihin mong nakapag-move on ka na pero pag nagkwentuhan tungkol sa pag-ibig, tandadadaaaaan! Siya na naman naiisip mo.

Laging maririnig na nagsasabing: “I’m over him/her…” “tapos iiyak bigla Haha! Baliw!”

[Ayaw]
Dalawa na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-”someone”. Hindi ko na pipilitin ungkatin ‘yung dahilan pero may mga pagkakataon lang talaga na ayaw mo. Ikalawa naman, baka…ayaw kasi sa’yo nung gusto mo N’ that’s the shittiest thing ever! Pwedeng ayaw niya sa’yo dahil may girlpren/boypren siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya talaga at wala ka nang magagawa kung ganun. =(

Laging maririnig na nagsasabing: “Ayoko pa magkaboypren/girlpren e.” o “Hindi naman niya ko gusto.“

WAZZ GOOD?? MY NAME IS M.C. DUANE…

AT WALA NA NAMAN AKONG MAGAWA!!!

HAHAHA!!! I’M JUST KILLIN’ TIME PEEPS…

ENIWEIZ, DI’BA MAY KASABIHAN NGA NA:

“NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA”

WALANG MANGYAYARI SA’YO KUNG MAGMUMUKMOK KA NA LANG DIYAN!!!!!!!
KAYA KUNG AKO SA’YO HABANG MAY PANAHON KA PA WAG MO NANG SAYANGIN.

AT TINITIYAK KO SA’YO NA GAGANDA ANG TAKBO NG MUNDO MO.

LUBOS NA GUMAGALANG,
ATE CHARO.


Categories: SAPUL KA BA?? TAGOS NOH?? =p


Tuesday, July 28, 2009

parang cellphone lang...

Jercyl: ...is watching a news segment about prepaid electricity. Parang cellphone lang ah...

Dennis: astig yan! pag naubusan ka ng kuryente, baka pwedeng magpasa-volt sa mga friends mo. :p

Saturday, March 28, 2009

ako'y isang nicotine patch

friday evening, as i was getting ready to leave work my phone rings and the ensuing conversation goes like this:
me: hey brod, what's up?
brod na itatago natin sa pangalang juan: where are you?
me: still here at work. why?
brod: let's have coffee.i'll pick you up there.
me: now? and what, may i ask, prompted this?
brod: let's just say that you're my nicotine patch
me: oh-kay...i'm not exactly sure what that means...care to expound?
brod: i've been scrolling my phone book and thinking of calling one of *them*. let's just say i'd rather meet with you and vent than do something that i might probably regret later.
me: you do probably need that coffee. sige, i'll wait.

Friday, November 28, 2008

Elevating the Elevator Experience

An elevator ride, for me, is not exactly an elevating experience. I'm just not keen on being in a place where my personal space is reduced to almost nothing. It could also be because I often find it ironic that people in such cramped places are creative in finding ways to avoid eye contact or any form of human interaction outside of the accidental brushing of shoulders.

Here's a funny take on some annoying things that could transform even the most mundane ride to an unforgettable one. Whoever wrote this list captured what probably a lot of people have thought of at some point.



Annoying Things To Do On An Elevator

1) CRACK open your briefcase or handbag, peer Inside and ask "Got enough air in there?"
2) STAND silent and motionless in the corner facing the wall without getting off.
3) WHEN arriving at your floor, grunt and strain to yank the doors open, then act as if you're embarrassed when they open themselves.
4) GREET everyone with a warm handshake and ask him or her to call you Admiral.
5) MEOW occasionally.
6) STARE At another passenger for a while. Then announce in horror: "You're one of THEM" - and back away slowly
7) SAY -DING at each floor.
8) SAY "I wonder what all these do?" And push all the red buttons.
9) MAKE explosion noises when anyone presses a button.
10) STARE, grinning at another passenger for a while, then announce: "I have new socks on."
11) WHEN the elevator is silent, look around and ask: "Is that your beeper?"
12) TRY to make personal calls on the emergency phone.
13) DRAW a little square on the floor with chalk and announce to the other passengers: "This is my personal space."
14) WHEN there's only one other person in the elevator, tap them on the shoulder, then pretend it wasn't you.
15) PUSH the buttons and pretend they give you a shock. Smile, and go back for more.
16) ASK if you can push the button for other people but push the wrong ones.
17) HOLD the doors open and say you're waiting for your friend. After a while, let the doors close and say "Hi Greg, How's your day been?"
18) DROP a pen and wail until someone reaches to help pick it up, then scream: "That's mine!"
19) BRING a camera and take pictures of everyone in the lift.
20) PRETEND you're a flight attendant and review emergency procedures and exits with the Passengers
.21) SWAT at flies that don't exist.
22) CALL out "Group hug" then enforce it.

Found here

Sunday, November 9, 2008

Sabi nga ni Bob Ong...

Salamat kay Irene for compiling these Bob Ong quotes. Mas lalong gusto ko na tuloy bumili ng libro nya at spend a day doing nothing except magbasa.

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."
2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."
10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."
15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"
17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"
18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

Sunday, September 14, 2008

andoy: ang astig at pinakabatang tourist guide ng callao caves


(Trip na Trip features andoy)

a few minutes after jake and i arrived in tuguegarao for a speaking engagement, sinabi sa amin nung organizers ng event na they're bringing us to callao caves. i didn't even have the slightest idea that it's one of the famous tourist destination pala. but nung sinabi nilang they're bringing there, i knew i was in for a treat. i can sense their pride sa caves na yun so i figured it must really be awesome to explore.

we traveled for almost 30 minutes to the town where the callao eco park is located. i was excited kahit na i wasn't exactly dressed for a trek. it's one of the rare times that i went out of town without bringing my rubber shoes. eh malay ko ba namang pupunta pala kami sa isang famous na cave? kaya nga ang nasabi ko na lang sa sarili ko eh good luck sa mary janes ko dahil masira na ang dapat masira, sasama at sasama pa rin ako.

buti na lang nga at pumunta kami kasi the place is simply wonderful. serendipity na masasabi yung mga pangyayari sa trip namin na to. pero higit pa sa sobrang gandang caves na nakita ko, ang masasabi kong napaka-interesting at inspiring na nangyari eh nung nakilala ko si andoy.

andoy is a grade 6 student who is also said to be the "youngest cagayan tourist guide". it was a shame hindi ko na-video nung nagsimula na syang magsalita. this was just before we began to climb the stairs going to the caves. pano ba naman, he totally captured all our attention that it was already too late when i realized hindi ko pala siya kinukuhanan.

he delivered his spiel kasi in flawless english, with a matching tone na sounded to me as confident, naughty, and generally happy sa pagiging guide nya. at it seemed na pumunta siya talaga dun at yung isang 16-year old guide (na kagaya rin nyang magaling mag-english) para mag-guide sa amin.

the trip to the caves was doubly fun because of them. there was never a dull moment. naisip ko nga, i would have enjoyed staying there longer. and to explore all the caves with these two tourist guides that made me feel so light and happy.

sumabay si andoy at yung isa pang guide sa amin pabalik ng tuguegarao. while in the van, tuloy-tuloy lang yung usapan. feeling nga namin matagal na kaming magkakakilala. mga bibong bata kasi sila andoy. kwento pa nya, gusto nya maging lawyer paglaki nya. then he corrected himself, tourism daw muna pala kukunin nya then tsaka siya magla-law. and when he said that, i knew that someday he'd be one. he said it in such a matter-of-fact tone that i believed him.

sabi ni andoy may offer sa kanya na sa ateneo de manila sya pag-aaralin. he said that he told those who offered him that na pag-high school and college na lang daw nya. i hope that happens nga, because andoy really has a lot of potential that i'm sure a good education can further draw out from him.

nakakatuwa na hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung mga antics ni andoy kahapon. i can't help but think that treasures really abound. and that most times, nakikita sila sa mga hindi inaasahang lugar at pagkakataon.

Friday, August 22, 2008

Which of the X-Men Are You?




You Are Jean Grey



Although your fate is often unknown, you always seem to survive (even after death).

Your mind is your greatest weapon, literally!



Powers: telepathy and telekinesis, the ability to project thoughts into the mind of others, communication with animals

Monday, May 26, 2008

Bugs Bunny on Dead Ends

"I like dead end signs. I think they're kind. They at least have the decency to let you know you're going nowhere."

Monday, May 19, 2008

Scratching the Surface

Got myself tagged by my dear friend Lizeth:

1. What is your occupation? technical communications
2. What color are your socks right now? not wearing any right now
3. What are you listening to right now? across the universe by beatles
4. What was the last thing that you ate? cheese naan from breadtalk
5. Can you drive a stick shift? no
6. If you were a crayon, what color would you be? indigo!
7. Last person you spoke to on the phone? bix
8. Do you like the person who sent this to you? absolutely
9. Favorite drink? chocolate milkshake
10. What is your favorite sport to watch? wushu and football
11. Have you ever dyed your hair? never
12. Pets? cats
13. Favorite food? filipino, chinese, french, italian
14. Last movie you watched? forbidden kingdom
15. Favorite Day of the year? Christmas
16. What do you do to vent anger? run or vent it out on the bag during sanshou training
17. What was your favorite toy as a child? train set
18. What is your favorite, fall or spring? fall
19. Hugs or kisses? hugs
20. What kind of pie? apple cinnamon
21. Do you want your friends to email you back? of course
22. Who is most likely to respond? friends
23. Who is least likely to respond? 'friends'
24. Living arrangements? living alone
25. When was the last time you cried? can't remember
26. What is on the floor of your closet? nothing
27. Who is the friend you have had the longest that you are sending this to? badette, bix, macky, mayee
28. The friend you have known the shortest amount of time that you are sending this to? to follow
29. Favorite smell? citrus
30. What inspires you? selflessness, advocacies, ...a lot actually
31. What are you afraid of? the absence of fear
32. Plain, cheese or spicy hamburgers? spicy
33. Favorite car? not a car person
34. Favorite cat breed? i prefer the big ones. tigers. cheetahs.
35. Number of keys on your key ring? 3
36. How many years at your current job? 1
37. Favorite day of the week? Wednesday
38. How many provinces have you lived in? 2
39. How many countries have you been to? 8

I'm tagging Badette, Bix, Macky, and Mayee.

Wednesday, April 9, 2008

Tanong Lang...

Badette: May lalaki ba na cow?
Jerz: Oo naman! Paano sila dadami kung wala?
Badette: Eh ano tawag mo sa lalaking cow?
Jerz: Bull di ba?
Benj: Oo bull!
Dex: Bull ba? May bull ba sa Pilipinas?
Blue: O sige, para matahimik ka Badette, "cowboy"!
Badette: Hindi, hindi. Kailangan malaman ko ang sagot.

(An hour or so later...)

Badette: May lalaki ba na cow? Ano tawag?
Ryan: Oo meron. Bull di ba?
Jerz: See? See? O ha, o ha, pareho kami ng sagot! Bull nga kasi (...I think...)!

(The day after...)

From Tristan: